Pages

Sabado, Oktubre 17, 2015

Busy Pero Nakapag-Neo pa din

Ngayun ko lang naisipan ulit na i-update ang blog na ito at sa kasalukuyan kumikita ako ng $1.35 kada araw sa NeoBux. Ngunit ito ay ginagamit ko din na pang-extend ng mga referrals ko, mahirap pala talaga ang ginawa ko dahil araw araw ung kinita ko ibibili ko din ng pang-extend at hindi ko na malaman kung kailan ako makaka-first withdraw.

Nadagdagan pa ang dissappointment ko dahil natuklasan kong ginaya pala lahat ng post ko dito sa blog na ito sa ibang blog. Halos lahat inilagay nia sa blog nia pwera lang ang aking referral link. Okay na nga sana kung naging referral ko sya or kaya kinontak nya ako para matulungan ko sya kaso hindi, binago bago lang nya ung pagkasunod sunod ng post date published. At malamang gagayahin nia din itong post na ito at ilalagay sa blog nia (pag nangyari yun sobrang iyak tawa na lang siguro ako).

Martes, Oktubre 6, 2015

Maling Diskarte sa NeoBux

Hi, share ko lang sa inyo yung maling ginawa ko dito sa NeoBux. Nagparami kasi ako ng RR at umabot na sya ng 178 RR. Ngayun may mga days na malapit ng maubos sa bawat RR ko may 13 days nalang 16, at 18 days. Dapat pala pa-unti unti lang ang dagdag ng RR at i-extend sila ng 240 days para makakuha ng mas malaking discounts. At habang inieextend ko sila dun ko sila unti unting dadagdagan at i-manage na din kung sino ang dapat i-recycle.

Sa ngayon stop na muna ako sa pag-add ng maraming referrals, siguro up to 3 na lang muna kada linggo then araw araw mga dalawang RR na malapit ng ma-expire ang i-extend ko ng 240 days o kung kulangin ay 90 days muna galing sa income ko sa NeoBux.

Linggo, Oktubre 4, 2015

Extended Rented Referrals

Ngayung araw na ito ay sinubukan kong i-extend ang aking rented referrals. Kahapon kasi nabanggit ko sa blog na ito kung madadagdagan ba ang days nila kahit may remaining days pa sila. At voila nadagdagan nga ang days niya. Ang pinili ko ay 240 days extension dahil mas malaki ang discounts nito sa lahat (30% discounts) at nagkakahalaga ng $1.12 or 1493 points, kaso wala akong points kaya yung rental balance ang pambayad ko. Mula sa 16 days na lamang na renta ay naging 156 days ito at patuloy pa rin akong naka Auto-Pay. Unti unti lahat ng kaunting days ay i-eextend ko na para mas makadiscount.

Ikaw, paano ang diskarte mo?

1st Monthsary sa NeoBux

Mag-isang buwan na ako sa NeoBux at sa totoo lang mejo nakakainip ang kita dito. Iniisip ko tuloy kung tatagal ba ako dito pero sa isang banda naman mejo nakakaipon na ako ng earnings at referrals (rented). Mayroon na akong 178 RR ngunit hanggang ngayon di ko pa din alam ang tamang diskarte para sa mas mainam na kitaan sa Neobux.

Naka-AutoPay pa din ako at wala pa ako ini-extend na referrals kahit isa. May nabasa kasi ako na sulitin daw muna ung days ng pagkakarent bago iextend, pero naguguluhan naman ako dahil kada click naman ng bawat RR sa ads nila ay madadagdagan ng kusa ang araw nila so kailan ko ba sya talaga dapat i-extend. Ang tanong ko din ay kung i-extend ko ba maidadagdag ba yung remaining days nya o marereset lang sa zero hanggang sa araw na nirentahan ko. MArami pa akong tanong kasi sa dami ng advices at tips na nababasa ko ay nagkokontrahan sila.