Pages

Sabado, Oktubre 17, 2015

Busy Pero Nakapag-Neo pa din

Ngayun ko lang naisipan ulit na i-update ang blog na ito at sa kasalukuyan kumikita ako ng $1.35 kada araw sa NeoBux. Ngunit ito ay ginagamit ko din na pang-extend ng mga referrals ko, mahirap pala talaga ang ginawa ko dahil araw araw ung kinita ko ibibili ko din ng pang-extend at hindi ko na malaman kung kailan ako makaka-first withdraw.

Nadagdagan pa ang dissappointment ko dahil natuklasan kong ginaya pala lahat ng post ko dito sa blog na ito sa ibang blog. Halos lahat inilagay nia sa blog nia pwera lang ang aking referral link. Okay na nga sana kung naging referral ko sya or kaya kinontak nya ako para matulungan ko sya kaso hindi, binago bago lang nya ung pagkasunod sunod ng post date published. At malamang gagayahin nia din itong post na ito at ilalagay sa blog nia (pag nangyari yun sobrang iyak tawa na lang siguro ako).

Martes, Oktubre 6, 2015

Maling Diskarte sa NeoBux

Hi, share ko lang sa inyo yung maling ginawa ko dito sa NeoBux. Nagparami kasi ako ng RR at umabot na sya ng 178 RR. Ngayun may mga days na malapit ng maubos sa bawat RR ko may 13 days nalang 16, at 18 days. Dapat pala pa-unti unti lang ang dagdag ng RR at i-extend sila ng 240 days para makakuha ng mas malaking discounts. At habang inieextend ko sila dun ko sila unti unting dadagdagan at i-manage na din kung sino ang dapat i-recycle.

Sa ngayon stop na muna ako sa pag-add ng maraming referrals, siguro up to 3 na lang muna kada linggo then araw araw mga dalawang RR na malapit ng ma-expire ang i-extend ko ng 240 days o kung kulangin ay 90 days muna galing sa income ko sa NeoBux.

Linggo, Oktubre 4, 2015

Extended Rented Referrals

Ngayung araw na ito ay sinubukan kong i-extend ang aking rented referrals. Kahapon kasi nabanggit ko sa blog na ito kung madadagdagan ba ang days nila kahit may remaining days pa sila. At voila nadagdagan nga ang days niya. Ang pinili ko ay 240 days extension dahil mas malaki ang discounts nito sa lahat (30% discounts) at nagkakahalaga ng $1.12 or 1493 points, kaso wala akong points kaya yung rental balance ang pambayad ko. Mula sa 16 days na lamang na renta ay naging 156 days ito at patuloy pa rin akong naka Auto-Pay. Unti unti lahat ng kaunting days ay i-eextend ko na para mas makadiscount.

Ikaw, paano ang diskarte mo?

1st Monthsary sa NeoBux

Mag-isang buwan na ako sa NeoBux at sa totoo lang mejo nakakainip ang kita dito. Iniisip ko tuloy kung tatagal ba ako dito pero sa isang banda naman mejo nakakaipon na ako ng earnings at referrals (rented). Mayroon na akong 178 RR ngunit hanggang ngayon di ko pa din alam ang tamang diskarte para sa mas mainam na kitaan sa Neobux.

Naka-AutoPay pa din ako at wala pa ako ini-extend na referrals kahit isa. May nabasa kasi ako na sulitin daw muna ung days ng pagkakarent bago iextend, pero naguguluhan naman ako dahil kada click naman ng bawat RR sa ads nila ay madadagdagan ng kusa ang araw nila so kailan ko ba sya talaga dapat i-extend. Ang tanong ko din ay kung i-extend ko ba maidadagdag ba yung remaining days nya o marereset lang sa zero hanggang sa araw na nirentahan ko. MArami pa akong tanong kasi sa dami ng advices at tips na nababasa ko ay nagkokontrahan sila.


Lunes, Setyembre 28, 2015

Paano I-Withdraw ang Kita sa NeoBux sa Paypal

Kung kumita ka na sa Neobux at gusto mo na syang i-withdraw papunta ng iyung Paypal account narito ang instructional video sa ibaba.


Kredito sa may-ari ng video.

Miyerkules, Setyembre 23, 2015

NeoBux Recycling Strategy Para sa Baguhan

Sundin ang mga alituntunin upang makakuha ng mas mahusay na AVG AT mas maayos na kita.


1. I-Recycle ang mga tao na hindi nag-click ng kahit isang solong ad sa loob ng 6 na araw. Maghintay ng hindi bababa sa 6 na araw bago i-recycle ang mga ito.

2. Laging Suriin ang kanilang mga gawi sa pag-click bago mag-recycling. Ang mga taong nag click ng 2 ads lang bawat araw ay maari ng i-recycled dahil malamang sila ay hindi na mag-click sa mga sunod na araw at magiging loss lamang sa dadaan na araw.

3. HINDI kailangan i-Recycle ang isang ref na nag-click sa araw-araw, panatilihin sila dahil maaari kang maging profit sa kanila.

Lunes, Setyembre 21, 2015

100 Rented Referrals


At nadagdagan ko na nga ang aking Rented Referrals RR ng 100 sa halagang $20, nakupo halagang PHP 928.10 din iyun pag iko-convert sa peso natin. Pag hindi ako nagtagumpay sa business na ito ay sorry na lang ako, pag ok e di wow forever na pala akong magkiki-click ng ads lol.

Target ko maabot ang 300 active RR at lahat ng hindi magclick ay i-rerecycle ko na lang, mejo maintaining din kasi pero kung i-aanalyze ko aabout lang naman ako ng 30 minuto araw araw para sa gawain na ito sa NeoBux.

At eto na ang update ng aking kita sa ibaba.

Sabado, Setyembre 19, 2015

Posible bang kumita sa Neobux ng Walang Puhunan

Oo, possible kang kumita dito sa NeoBux ng walang puhunan, gawin lamang ang mga sumusunod:

  • I-Click ang lahat ng mga orange ad sa bawat araw batay sa oras sa server.
  • I-Click din ang iba pang advertisement at hangga't maaari may AdAlert ka sa iyung browser dahil paminsan minsan biglang nagbibigay ng ads si NeoBux, maaari ding subukan ang iyong luck sa AdPrize kung saan may iba’t-ibang prize tulad ng pera, coins, points at upgrade.
  • Mag-RENT ka ng ilang referrals kung lagpas $0.60 na ang kita mo.

Huwebes, Setyembre 17, 2015

$1 na Kita sa NeoBux

Ayan kumita na ako ng $1 dito sa Neobux magmula ng naging active ulit ako nitong September 8, 2015. Kaya lang syempre hindi pa talaga ito ung totoong kita dahil kaka-invest ko pa lang ng $35. Hindi ko pa nadadagdagan ang aking RR na tatlo pa lamang at bukas maari na ulit akong bumili o dagdagan ang bilang nito.

Sana maging ok ito dahil kung hindi kahiya hiya naman ako sa inyo.

Eto nga pala yung kita ko:



Mababa pa lang kumpara sa iba pero sana madagdagan pa. 

Miyerkules, Setyembre 16, 2015

Sino Dapat ang Nagne-NeoBux

Sa NeoBux, ayon sa nakalap ko ay dapat may tatlong mahalagang katangian kang taglay upang magtagumpay ka dito. Ito ay ang sipag, tiyaga at mahabang pasensya.

Sa una kasi napakabagal ng pagkita dito puro sentimo lang kada araw. Nung unang araw akong bumalik sa Neobux ang kita ko lang sa isang araw ay $0.025.

Eh magkano ba ang bayad sa pag-renta ng referrals? Sa 3 rented referrals $0.60 ang halaga nito, ito na ang pinakaminimum na pwede mong bilhin eh syempre bayad pa sa pag-manage ng referrals like recycling at extending. So suma tutal dapat mahigit $0.60 muna ang pera mo sa Neobux bago ka makapag-renta ng referrals. Let's say ang target mo sa una ay $1 na bubunuin mo approximately 40 days bago ka makipon, ibawas ang $0.60 para sa 3 RR (rented referrals) at ang matitirang $0.4 kasama na ung kikitain mo from there ay ipang-iikot ikot mo para mapadami ang RR mo.


Martes, Setyembre 15, 2015

Karagdagang $30 na puhunan sa NeoBux

Kagabi naisipan kong dagdagan ang aking rental balance ng halagang $30 at ang total investment ko na nga sa NeoBux ay $35. Na-realize ko kasi na mas kaunting rental referrals ay mas mabagal na pag-usad sa NeoBux.

Maghihintay pa ako ng 4 na araw bago makabili muli ng RR dahil allowed lang ang lahat ng mga miyempro na bumili every after 7 days.

Sa ngayon naman pinag-aaralan ko ang Break Even Point o BEP kung saan hindi lugi o hindi din nadagdagan ang income.

Sana nga ay magtagumpay ako dito sa NeoBux, harinawang ipagkaloob ng Panginoong Diyos.

Kung gusto mo ding sumali i-click lang ang banner ko at mag-sign up.

Linggo, Setyembre 13, 2015

Para saan nga ba yung Points na napanalunan ko sa AdPrize


Nung isang araw lang nanalo ako ng 10 points sa AdPrize at wala nga akong idea kung para saan ba ito.

Kapag nakaipon ka pala ng maraming points at ito ay umabot ng 30,000 points maaari ng ma-convert ang membership mo sa Golden sa loob ng 1 year ng libre.

Eh paanu naman kung kasalukuyan ka ng Golden? Ang sabi ng isang miyembro sa forum madadagdagan ng isa pang taon ang expiration mo ng Golden status mo.

Teka, anu nga ba mayroon pag Golden ang membership mo?

Well mas malaki kaysa sa standard ang kita mo, katulad ng nasa ibaba

Naglagay ako ng $5 sa Neobux

Dahil gusto kong mapabilis na magkaroon agad ng Rented Referrals sa Neobux ako ay nag-invest ng halagang $5 sa aking account galing sa aking PayPal account. Sa dinami dami ba naman ng raket ko online imposibleng hindi ako mawawalan ng pondo sa Paypal account ko.

Ngunit may mali akong nagawa pagkatapos kong gawin ito. Ako ay nag-renta lamang ng tatlong referrals sa halagang $0.60 na sa halip ay dapat 15 referrals ang nirentahan ko sa halagang $3 at ang natitira ay ginamit kong pang manage ng referrals.


Biyernes, Setyembre 11, 2015

Nanalo Ako ng Adprize: 10 Points


Congratulations, You have won 10 points. The points have been credited to your account.

Sumali Ako Sa Neobux



Nung isang araw lamang naisipan kong bigla na buksan ang aking NeoBux account. Nacurious kasi ako kung may mga tao bang dedicated sa mga PTC sites or kaya ginawa nila itong bread and butter na pang suporta sa pamilya nila. Sa kaka-search ko sa Google aba meron nga at matagal na sila sa Neobux. 

Actually mayroon na akong Neobux noon pa man, dahil siguro sa greed at interest na kumita ay naengganyo ako noon. Ngunit dahil napakahina ng kita dito ($0.001) lang ang bayad kada click ay tinamad ako. Mabuti na lamang at pwede ko pa palang irevived ang account ko at ako ay nagsimula nitong September 8, 2015 (makikita sa pic na ipinost ko).