Pages

Miyerkules, Setyembre 16, 2015

Sino Dapat ang Nagne-NeoBux

Sa NeoBux, ayon sa nakalap ko ay dapat may tatlong mahalagang katangian kang taglay upang magtagumpay ka dito. Ito ay ang sipag, tiyaga at mahabang pasensya.

Sa una kasi napakabagal ng pagkita dito puro sentimo lang kada araw. Nung unang araw akong bumalik sa Neobux ang kita ko lang sa isang araw ay $0.025.

Eh magkano ba ang bayad sa pag-renta ng referrals? Sa 3 rented referrals $0.60 ang halaga nito, ito na ang pinakaminimum na pwede mong bilhin eh syempre bayad pa sa pag-manage ng referrals like recycling at extending. So suma tutal dapat mahigit $0.60 muna ang pera mo sa Neobux bago ka makapag-renta ng referrals. Let's say ang target mo sa una ay $1 na bubunuin mo approximately 40 days bago ka makipon, ibawas ang $0.60 para sa 3 RR (rented referrals) at ang matitirang $0.4 kasama na ung kikitain mo from there ay ipang-iikot ikot mo para mapadami ang RR mo.


Sa una talaga napakahirap at napakabagal kaya nga ang ginawa ko ay namuhunan na muna ng kaunti to test the water ika nga. Siguro sa loob ng 3 buwan sa Neobux wala akong i-eexpect na cash-out o kita dahil panigurado ang kikitain ko ay ipambibili ko lang din ng RR. Parang laro di ba para din akong nag-COC pero ung sa akin siguro once a day lang of playing (managing).

Maihahalintulad din ito sa isang nagsisimula sa pag-negosyo ng sari-sari store. Di ba hindi naman malaki ang kita sa sari sari store at papiso piso lamang sa isang bundle tulad ng boy bawang na kornik. Kumikita lang ang sari-sari store pag matagal na syang nag-ooperate at madami ang kanyang paninda. Kung hindi ka mamumuhunan sa paninda mo o ibabalikwas ang kinita mo sa paninda ay mamamatay lang din ang negosyo mong sari sari store.

Kung may katanungan ka ilike mo lang ang page ko at i-pm ako. 

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Ibahagi mo kung anu ang saloobin mo sa artikulo na ito.